𝗜𝗕𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗕𝗘𝗡𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗞𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔, 𝗧𝗜𝗡𝗜𝗬𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗗𝗔

Tiniyak ng Department of Agriculture na nakakarating ang mga inilulunsad na mga programa para sa pagpapalawig sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng isinagawang project validation.

Alinsunod dito, nagtungo ang ilang DA officials sa ilang mga barangay partikular sa bayan ng Mangaldan upang masiguro ang pag-arangkada ng mga interbensyon tulad ng iginawad na mga abono, binhi at iba pa.

Nabigyan din ng pagkakataon ang mga magsasaka upang ipahayag ang kanilang mga hinaing ukol sa iniimplementang mga proyekto.

Samantala, kaliwa’t kanan ang isinasagawang mga programa at proyekto ng DA upang maitaguyod ang sektor ng agrikultura at matulungan ang mga lokal na magsasaka ng bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments