Pinarangalan ang IFM Dagupan bilang isa sa mga partner-stakeholders sa ginanap na “Pangirayew tan Pantutuyaw” PSU Stakeholders Night sa Dr. Telesforo N. Boquiren Convention Hall, PSU Lingayen kagabi.
Ang parangal ay dahil sa aktibong pakikipagtulungan nito sa pagbibigay ng internship sa mga PSU students sa loob ng sampung taon.
Tinanggap ni Station Manager Mark Espinosa ang prestihiyosong parangal kasama ang ilang empleyado ng IFM Dagupan.
Sa naging mensahe ni Espinosa, lubos na ikinararangal ng iFM Dagupan na maging bahagi ng layuning magbigay ng de-kalidad na edukasyon at serbisyo sa mga kababayan.
Binigyang diin nito, na ang natanggap na parangal ay isang inspirasyon upang patuloy na pag-ibayuhin ang pagtutulungan para sa kapakanan ng mas nakararami.
Nagpasalamat naman ito sa pagkilala sa istasyon bilang isang stakeholder partner ng Pangasinan State University at katuwang sa adhikain ng pagpapaunlad.
Samantala, asahan pa umano ang patuloy na suporta ng iFM Dagupan at Radio Mindanao Network Inc. sa patuloy na suporta at pakikibahagi sa mga proyekto ng naturang unibersidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨