Namigay ng libreng tubig, kandila at biscuit ang IFM Dagupan para sa mga Idol nating dumalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay kahapon sa araw ng Undas sa Calasiao Cemetery.
Ang buong pwersa ng IFM Dagupan sa pamumuno ni Station Manager Mark Espinosa ay nagsama-sama upang ipamahagi ang munting tulong sa ating mga kababayan.
Bahagi ito ng pagpapasalamat ng IFM Dagupan at RMN Networks sa mga walang sawang sumusuporta at nagtitiwala sa entertainment at news and public affairs kompanya.
Marami sa ating mga Idol ang natuwa at naantig ang damdamin dahil sa taunang serbisyo publiko ng himpilan.
Anila, simpleng paraan ang naturang aktibidad upang maipakita ang malasakit para sa kaginhawaan at kaligtasan ng mga taga Calasiao.
Ang ilan ay sinabing malaking tulong ang pamamahagi ng tubig na pamatid uhaw lalo na sa mainit na panahon at mahabang Oras ng pagbisita sa Sementeryo.
Tinatayang nasa tatlong Daan at limampung indibidwal ang nabahagian sa IFM Dagupan Oplan kasama na ang Quinn’s Water Refilling Station. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨