๐—œ๐—š๐—ข๐—ฅ๐—ข๐—ง๐—”, ๐—ก๐—”๐—š-๐—จ๐—ช๐—œ ๐—ก๐—š ๐—š๐—œ๐—ก๐—ง๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—˜๐—” ๐—š๐—”๐— ๐—˜๐—ฆ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ

Cauayan City – Nagbigay ng karangalan sa bansa ang Filipina Muay Thai fighter na si Islay Erika Bomogao, isang Igorota mula Baguio City matapos masungkit ang gold medal sa Womenโ€™s Muay Combat 45kg ng 33rd Southeast Asian Games.
Tinalo ni Bomogao ang kinatawan ng Thailand na si Arissara Noon-Eiad sa isang dikit at matinding laban, na nagtapos sa iskor na 29โ€“28 pabor sa atleta ng Pilipinas.
โ€Ž
โ€ŽIto ang ikalawang medalya ni Bomogao sa palaro, kasunod ng bronze medal na napanalunan niya sa Wai Kru event isang araw bago ang kanyang tagumpay sa Muay Combat.
Dahil sa kanyang mahusay na pagganap, nadagdagan ang medal tally ng Team Philippines at muling pinatunayan ni Bomogao na isa siya sa mga umuusbong na lakas ng bansa sa larangan ng Muay Thai.
Photo credit: Islay Erika Bomogao
Facebook Comments