𝗜𝗞𝗔 -𝟭𝟮𝟴 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗔𝗥𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗜 𝗦𝗣𝗘𝗔𝗞𝗘𝗥 𝗘𝗨𝗚𝗘𝗡𝗜𝗢 𝗣𝗘𝗥𝗘𝗭 𝗗𝗔𝗬, 𝗚𝗜𝗡𝗨𝗚𝗨𝗡𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪

Idineklara bilang Special Non-Working Holiday ang November 13 sa probinsya ng Pangasinan bilang paggunita sa ika-128th na kapanganakan ni Speaker Eugenio Padlan Perez.

Sa inilabas na Executive Order No. 0134 s. 2024 ng Provincial Government ng Pangasinan, layunin nito ng proklamasyon na mabigyan ng pagkilala ang naging kontribusyon nito sa lalawigan at sa buong bansa.

Si Perez ay naluklok bilang Speaker of the House noong 1946. Nagsilbi bilang 2nd district Representative ng lalawigan mula 1946 hanggang 1957 at sa National Assembly sa ilalim ng Commonwealth.

Siya rin ang may akda upang maipasa ang R.A 170 na lumikha sa pagiging lungsod ng Dagupan.

Isinalang ito noong November 13, 1896 sa Sitio Obong isang baryo sa Basista na dating bahagi ng San Carlos City.

Namatay si Perez noong August 4, 1957 sa Quezon City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments