
β
βCauayan City – Nagwagi ng ikatlong puwesto si Isabela Vice Governor Kiko Dy sa kanyang kategorya sa Hyrox Osaka, isa sa pinakamahihirap at pinakakilalang fitness competitions sa Asya na pinagsasama ang long-distance running at functional workouts.
β
βMatinding internasyonal na kompetisyon ang hinarap ni Dy, kasama ang mga beteranong atleta mula Japan, Europe, at Oceania, dahilan kung bakit itinuturing na malaking tagumpay ang podium finish sa Osaka.
β
βAng Hyrox ay isang full-spectrum fitness race na sumusubok sa lakas, tibay, at mental focus ng mga kalahok sa ilalim ng mahigpit na pamantayan ng kompetisyon.
β
βDahil sa kanyang tagumpay, napabilang si Dy sa iilang Pilipinong opisyal ng gobyerno na nakapag-podium sa isang elite international fitness event.
β
βPhoto: Kiko Dy
β—————————————
β
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










