𝗜𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗖𝗜𝗟, 𝗞𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗛𝗨𝗦𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟮

Cauayan City — Sa gitna ng patuloy na pagsusulong ng mabuting pamamahala, muling umangat ang Lungsod ng Ilagan matapos kilalanin ang Sangguniang Panlungsod nito bilang Most Outstanding Sangguniang Panlungsod o Component Cities Category sa buong Cagayan Valley Region.

Iginawad ang parangal ng Department of the Interior and Local Government Region 2 sa pamamagitan ng Local Government Monitoring and Evaluation Division sa isinagawang Excellence Award for Governance and Leadership Ceremonies sa Casa Jardin, Santiago City.

Ayon sa DILG, layunin ng EAGLE Awards na kilalanin ang mga lokal na pamahalaang may mataas na antas ng kahusayan sa transparency, legislative innovation, at citizen-centered governance na patuloy na pinagyayaman umano ng Sangguniang Panlungsod ng Ilagan.

Itinuturing ng mga Ilagueño ang karangalang ito bilang “resibo ng tapat at mahusay na paglilingkod,” patunay na ang mabuting pamumuno ay hindi lamang nasusukat sa mga batas na naipapasa, kundi sa epekto ng mga ito sa araw-araw na buhay ng mamamayan.

Isang inspirasyon ang tagumpay na ito para sa mga lokal na konsehong patuloy na nagsusulong ng malinis, makatao, at makabagong pamamahala na tunay na ehemplo ng good local governance sa Rehiyon Dos.

Facebook Comments