
Cauayan City – Nakamit ng lungsod ng Ilagan ang ikatlong sunod na ASEAN Clean Tourist City Award sa ASEAN Tourism Standards Awarding Ceremony.
Dahil sa tatlong magkakasunod na pagkilala, opisyal nang itatatak ang Ilagan City bilang Hall of Famer.
Patunay ito ng tuloy-tuloy na pagsusumikap sa mabuting pamamahala, pangangalaga sa kalikasan, at pagpapaunlad ng turismo.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ang parangal ay bunga ng sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan, mga stakeholder sa turismo, at ng buong komunidad ng mga Ilagueño, na ginagabayan ng anim na haligi ng isang livable city kung saan kabilang dito ang survivability, landscape development, mobility, sustainability, connectivity, at legacy.
Patuloy namang isinusulong ng Ilagan City ang responsableng turismo sa pamamagitan ng pagpapanatili ng malinis at ligtas na kapaligiran para sa mga lokal at dayuhang bisita.
———————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










