
Cauayan City – Makikiisa ang SM City Cauayan sa makulay na pagdiriwang ng Bambanti Festival 2026 bilang pagbibigay-pugay sa kultura, sining, at pagkakakilanlan ng lalawigan ng Isabela.
Mula Enero 13 hanggang 31, magsisilbing sentro ng selebrasyon ang mall sa pamamagitan ng Bambanti Exhibit na magpapakita ng kasaysayan at diwa ng pista.
Kasama rin sa mga tampok na aktibidad ang Queen Isabela Candidatesโ Mall Tour na magpapakita ng kagandahan at talino ng mga kandidata, ang Bambanti Sale na may mga abot-kayang alok para sa mamimili, at ang Bambanti Fair na magbibigay-daan upang matuklasan ang mga lokal na produkto ng Isabela.
Isasagawa rin ang Press Conference at Circle of Winners at ang Queen Isabela Creative Attire Exhibit na magpapakita ng malikhaing kasuotan na sumasalamin sa kultura at tradisyon ng lalawigan.
Layunin ng SM City Cauayan na ilapit ang Bambanti Festival sa mga mamamayan at lumikha ng masayang karanasan.
————————————–
โPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ#985ifmcauayan
โ#idol
โ#numberone
โ#ifmnewscauayan









