𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗬𝗔𝗛𝗘 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔, 𝗗𝗢𝗕𝗟𝗘 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗜𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗪𝗔𝗧𝗔𝗡

Doble ang pag-iingat ng mga babyahe para sa darating na Semana Santa laban sa mga masamang loob o kawatan lalo at ang iba sa mga ito ay lilisanin ang mga bahay para makapag bakasyon.

Ang ilan sa nagbabalak bumiyahe, sisiguraduhing naka-lock ang lahat ng pinto at bintana ng bahay para maiwasan na mapasok ng mga kawatan.

Ido-double check din ang mga mga appliances at mga de kuryenteng kagamitan para iwas sa sunog.

Ang mga terminal bus naman, sisiguraduhing ligtas at maayos na makakapag byahe ang mga biyahero sa oras na dumating na ang Semana Santa at babantayan ang bawat byahe para maiwasan ang mga masasamang loob o kawatan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments