Nakakaranas ng pagbaha ang ilang bahagi ng Dagupan City bunsod ng epekto ng Bagyong Pepito na sinasabayan pa ng high tide.
Sa Brgy. Bacayao Norte, hanggang tuhod pa rin ang bahang nararanasan sa mga kabahayan kung kaya’t ang ilang gamit ng mga residente ay inilagay sa mataas na bahagi ng kanilang bahay.
Pahirapan rin ang sitwasyon sa palengke sa Downtown Area dahil sa baha.
Ang mga tindera, napilitang magbabad sa tubig baha dahil naabot ng high tide ang kanilang mga pwesto.
Maging may ilang mamimili rin ang hindi naka-pagsuot ng bota kung kaya’t napilitang lumusong para makapamili.
Anila, sanayan na lamang ngunit hindi rin umano maka-kampante lalo at naglipana pa rin ang sakit na leptospirosis at dengue.
Ayon kay CDRRMO Early Warning Operation Officer Michael Joe Caguioa, ang Isa sa dahilan ng pagbaha na nararanasan sa ilang bahagi ng lungsod ay ang tubig na namumula sa Sinocalan River sa Sta. Barbara.
Samantala, nagpapatuloy ang pamamahagi ng relief packs sa mga apektadong residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨