𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗭𝗢𝗡, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗨𝗟𝗔𝗡𝗜𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢

Mararanasan ngayong linggo ang mga pag-uulan sa bahagi ng Northern Luzon na kinabibilangan ng Ilocos Region.

Ayon sa pinakahuling datos ng PAGASA, kasalukuyang nakakaranas ngayon ng monsoon break o ang kaunting mga pag-uulan o walang mga pag-ulan ng ilaw araw kahit pa panahon na ng tag-ulan.

Malaking bahagi ng Northern Luzon ang posibleng ulanin simula ngayon hanggang sa susunod na mga araw partikular sa Ilocos Provinces na kinabibilangan ng Pangasinan, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Aurora dala ng Frontal System.

Samantala, matatandaan na nasa hanggang dalawang bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan ng Hunyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments