Nakaranas ang iba’t-ibang bahagi sa lalawigan ng Pangasinan ng mga pag-uulan sa base sa inilabas na Thunderstorm Advisory ng DOST-PAGASA sa gitna ng mataas na heat index na naitala kahapon.
Matatandaan na sa mga nakalipas na araw, bagamat patuloy na nakakapagtala ang lalawigan ng Pangasinan ng mataas na heat index ay nararanasan na ngayon ang localized thunderstorm pagsapit ng hapon at gabi.
Inihayag ng PAGASA na unti-unti nang lalamig sa lalawigan dahilan na tapos na ang peak ng dry season.
Samantala, patuloy pa ring mararanasan ang matataas na heat indices bunsod ng El Niño Phenomenon, na bagamat humina na ay nararanasan pa rin ang epekto nito sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments