𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦 𝗩𝗘𝗡𝗗𝗢𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗕𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗛𝗜𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗜𝗡𝗦𝗬𝗔

Pabor ang ilang nagtitinda ng bangus sa Magsaysay fish market sa paghihigpit ngayon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan pagdating sa pag-aangkat ng produktong bangus mula sa ibang probinsya.

Ayon sa ilang tindera, ang napasok kasing bangus mula sa ibag probinsya gaya sa bulacan ay mas mababa ang presyo kung ikukumpara sa bangus Dagupan kung kaya’t natatalo ito pagdating sa bentahan.

Mas hihigpitan pa umano ng LGU Dagupan at kanilang pagbabantay sa mga pumapasok na suplay ng bamgus galing ibang probinsya nang sa gayon ay maprotektahan ang produktong bangus sa Dagupan City.

Samantala, bumaba sa 150 pesos per kilo ang presyuhan sa bangus sa Dagupan dahil sa dami ng suplay rin ng iba’t ibang klase ng isdang binebenta sa wet market. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments