Humabol ang ilang bumisita sa mga sementeryo sa lungsod ng Dagupan kahapon. Ang ilan sa mga ito, mayroon umano silang trabaho noong mga nakaraang araw kung kaya’t kahapon lamang nakabisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Dahilan pa ng iba, ayaw ng mga itong makisabay sa dagsa ng tao.
May mga mangilan-ngilan ring nagpapalinis at nagpipintura pa ng mga nitso.
Giit ng mga ito, walang pinipiling petsa sa pagbisita sa kanilang mga yumao dahil maari naman itong gawin kahit na Undas. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments