Ligtas sa toxic red tides ang coastal waters at mariculture areas sa ilang bahagi sa lalawigan ng Pangasinan base sa inilabas na datos ng Department of Agriculture (DA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ayon sa Shellfish Bulletin No. 01, Series of 2024, lahat ng uri ng shellfish na mula sa Infanta, Bolinao, Anda, Alaminos City, Sual at Bani sa lalawigan ay ligtas mula sa red tide.
Maaari itong ibenta sa mga pampublikong pamilihan sa probinsya dahil nananatili itong ligtas at walang masamang banta sa kalusugan.
Samantala, sa Dagupan City, naglalaro sa 100 pesos ang isang sukat ng talaba habang nasa 70 hanggang 90 pesos naman ang per kilo ng tahong. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments