Panatag ang ilang mga commuters sa Dagupan City dahil hindi kasama sa national transport strike ngayong araw ang mga transport group sa lalawigan.
Bagamat alam nila ang mga nais na ipinaglalaban ng mga operators at drivers ay malaki rin ang epekto sa kanilang mga commuters kung hindi papasada ang mga ito.
Mainam rin umano kung babawi na lamang ang mga operators at drivers sa kikitain nila sa isang buong araw at isabay ang patuloy nilang pagsulong ng kanilang mga hinaing ukol sa jeepney modernization.
Samantala, ang naturang transport strike ay hindi naman nakaapekto sa daloy ng trapiko sa Dagupan City maging sa buong lalawigan ngunit suportado ng ilan ang naturang welga para sa mga ipinaglalaban ng kapwa nila drivers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments