𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗧𝗧𝗔𝗚𝗘 𝗢𝗪𝗡𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡 𝗕𝗘𝗔𝗖𝗛, 𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞 𝗛𝗔𝗡𝗔𝗣𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗠 𝗦𝗨𝗥𝗚𝗘 𝗗𝗨𝗟𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗥𝗜𝗦𝗧𝗜𝗡𝗘

Balik hanapbuhay ang ilang cottage owners sa Lingayen Beach matapos makaranas ng storm surge noong kasagsagan ng Bagyong Kristine.

Agad na naglinis ng kanilang pwesto ang ilang owners matapos ang paghupa ng tubig.

Ayon sa ilang cottage owners, kailangan umano nilang makabawi sa ilang araw na walang kita dahil walang bumibisita sa lugar bunsod ng bagyo.

Nagsagawa na rin ng dredging operation ang pamahalaang panlalawigan sa naturang lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments