Tuloy pa rin sa pamamasada ang ilang driver ng motorbanca sa Dagupan City kahit pa Ramdam na Simula kahapon ang epekto ng Bagyong Pepito sa lungsod.
Ayon sa ilang driver, sayang umano ang kikitain ng mga ito kahit pa mangilan ngilan na lamang ang pasahero.
Wala rin lasing pambili ang mga ito ng kanilang kakainin kung hindi hihinto sa paghahanap buhay..
Umaasa ang mga ito na hindi na magkakaroon pa ng mas Matinding epekto ang bagyo upang maipagpatuloy ang kanilang hanap buhay.
Ang ilan, mas pipiliin na rin munang magpahinga at manatili sa kanilang mga tahanan upang maiwasan ang pinsalang dulot ng bagyo.
Samantala, Dahil sa pangamba naman ng ilang nag may ari ng bangka sa Island Barangay ay maaga pa lang ay inangkla na nila ang mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments