Hindi na muna nagbukas na kani-kanilang mga pwesto sa mga wet market at mga palengke ang ilang fish at vegetable vendors sa lungsod ng Dagupan ngayong unang araw ng taong 2024.
Ang ilan kasi sa mga ito inabot ng madaling araw sa pagbebenta dahil sa dagsa ng mga mamimiling nag rush hour sa pamimili kung napuyat rin ang mga fish at vegetable vendors sa pagtitinda buong magdamag.
Ang ilan naman, naubos umano ang mga paninda na siyang laking pasasalamat nila dahil sulit umano ang pagod at puyat sa pagbebenta kahit sa last minute na paghabol ng gma mamimili para sa salubong ng bagong taon.
Tuloy pa rin naman ang karamihan sa mga vendors sa wet market at pamilihan sa pagbebenta at nagbukas pa rin ng kanilang mga pwesto sa unang araw ng taon 2024 dahil mga paniniwalang agad umanong papasok ang swerte at biyaya.
Sa ngayon, malinis ang mga ilan sa mga pwesto sa wet market at wala naming naiwang kalat sa kabila ng dagsa ng tao noong kasagsagan ng New Year rush. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨