𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗚 𝗥𝗔𝗜𝗦𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗡𝗘𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗙

Ilang dating nag-aalaga ng baboy sa Mangaldan ang hindi na makapag-alaga muli dahil sa banta ng African swine fever o ASF.

Ayon sa ilang hog raisers, Nais umano ng mga ito na bumalik sa kanilang dating kabuhayan ngunit ang marka na iniwan sa kanila ng ASF ay tila nakalulugmok dahil marami sa kanilang alagang baboy ang namatay.

Samantala, ayon sa Department of Agriculture, pinaplano na nila na magbigay ng vaccine sa bawat hog raisers sa lalawigan ng Pangasinan sa mga susunod na linggo upang maiwasan ang ASF.

Pangako rin ng DA na magiging accessible ang bakuna para sa mga alagang baboy sa merkado sa susunod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments