Cauayan City – Sumailalim sa pagsasanay sa Smoke Fishing ang mga mangingisdang kababaihan mula sa Lalawigan ng Cagayan.
Naganap ang dalawang araw na pagsasanay sa Community Fish Landing Center sa Sta. Praxedes, Cagayan kung saan pangunahing layunin nito ay magbigay ng kaalaman partikular sa Good Manufacturing Practices (GMP), Sanitation Standard Operation Procedures (SSOP), Product Packaging and Labelling, and food safety concerns to the participants.
Sa loob ng ilang oras ng pagsasanay, nakagawa ang mga kalahok ng smoked Tilapia at bangus, ganun na rin ang smoked Dolphin fish o mas kilala sa tawag na “Dorado”.
Labis namang nagpasalamat si Sta. Praxedes Mayor Esterlina Aguinaldo sa inisyatibo ng kagawaran na ibahagi sa mga kababaihan sa kanilang lugar ang mga kakayahan at kaalaman patungkol sa fish smoking.
Makatutulong at magagamit umano ng mga ito ang kanilang natutunan upang magkaroon sila pangkabuhayan at magsilbing oportunidad upang kumita.