Nakakaranas na rin ng kaunting tulo ng gripo ang ilang kahabayan sa Barangay Caoayan Bugtong bayan ng Malasiqui.
Sa ibinahaging mensahe ng ilang residente sa nasabing Barangay, nakakaranas anila sila ng kakaunting tulo o lumalabas na tubig ang mga poso o jetmatic pumps kaya nababahala umano sila.
Dahil sa kakaunting tulo ng mga poso sa kanilang lugar, kailangan na nilang mag-imbak ng tubig.
Suspetsa ng mga ito ay dahil sa nararanasan ngayon panahon ng El Nino phenomenon o dahil sa dami na ng gumagamit ng deep well sa kanilang lugar.
Dagdag pa nila na nararanasan ang kakaunting tulo tuwing sasapit ang ala siyete ng umaga hanggang alas dose na madaling araw, at nagkakaroon na anila ng tubig pagsapit ng alas kwatro ng madaling araw bagay na nahihirapan sila dahil napupuyat sila.
Sa ngayon, isinasangguni na ng IFM News Dagupan ang kanilang obserbasyon sa kanilang mga gripo sa kinauukulan. |πππ’π£ππ¬π¨