𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭

Upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng dengue sa Region 1 nagpamahagi ang Department of Health ng kagamitan pangontra sa sakit. Kabilang sa ipinamahagi sa 41 munisipalidad at siyudad ang ang vector control supplies at backpack sprayer.

Isinagawa rin ang orientation sa tamang paggamit ng misting machine at backpack sprayer.

Una rito hinikayat ng ahensya ang mga LGUs sa probinsiya na magsagawa ng clean up drive at misting operation upang puksain ang lamok na nagdadala ng sakit na dengue.

Sa tala ng DOH Region 1 mula Enero hanggang unang linggo Hunyo nakapagtala na ito ng 1, 047 na kaso ng dengue na mas mababa kumpara noong nakaraang taon na mayroong 1, 411 na kaso.

Ayon sa tanggapan ang edad lima hanggang siyam sa rehiyon ang pinaka apektado sa sakit. Nagpaalala naman ang tanggapan na ugaliin ang pagsunod sa 4s Strategy na panlaban sa dengue. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments