𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗧 𝗦𝗣𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗣𝗔𝗡𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗥𝗔 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗥𝗜𝗡𝗔

Hindi muna pinahihintulutan ng lokal na pamahalaan ng La Union ang mga turista na bumisita sa mga tourist spots sa ilang bahagi ng probinsya dahil sa epekto ng bagyong Carina.

Nag-isyu ang ilang lokal na pamahalaan ng public advisory upang pansamantala munang isara ang kanilang mga sakop na tourist sites.

Kabilang dito ang San Juan, Tangadan Falls sa San Gabriel, at Immuki Island sa Balaoan. Ito ay pagbibigay ng proteksyon at kaligtasan sa lahat ng mga residente at mga lokal na turista mula sa epekto ng naturang bagyo.

Hindi rin muna pinahihintulutan ang mga mangingisda sa bahagi ng Bangar at Balaoan na pumalaot upang matiyak ang kanilang kaligtasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments