𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡

Planong simulan ngayon ang konstruksyon ng ilang pabahay sa lalawigan ng Pangasinan ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Ayon kay DHSUD-Region 1 Regional Director, Atty. Richard Venancio Fernando V. Ziga, sa susunod na buwan maari ng maumpisahan ang konstruksyon ng 882 residential units sa lungsod ng Alaminos.

Inaasahan din na masisimulan ngayong taon ang pabahay sa Urdaneta City kung saan may kabuuang 2,560 units, Malasiqui na may 2,412 units, 288 units sa Asingan, at San fabian na nasa 1,600 units.

Sa oras makapagbigay ng letter of interest ang isang local government unit ay susunod na ang listahan ng kanilang benepisyaryo at dedepende sa housing need ng mga ito.

Ito ang magiging basehan ng tanggapan para sa pagsasagawa ng naturang programa sa napiling lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments