Sinusulit ngayon ilang konsyumer sa lalawigan ang pagkagat sa mababang presyuhan sa produktong itlog sa iba’t ibang pamilihan.
Ang mga mamimili, nakatipid naman umano sa pagbaba ng presyo ng itlog sa mga pamilihan lalo at ito ang madalas na inuulam at inihahain sa hapag.
Nararanasan kasi ngayon ang mababang presyo ng itlog sa mga pamilihan gaya sa Dagupan City kung saan nasa 4 pesos ng kada itlog bilang pinakamura sa klase nito o 120 pesos per tray.
Kung ang mga konsyumer, ikinatuwa ang pagbaba ng presyo ng itlog, ang mga egg producer naman halos dalawang linggo na umanong nararanasan ang pagkalugi sa mababang presyuhan produktong itlog.
Ang pagbaba naman sa presyo ng naturang produkto ay dahil sa over supply na produksyon nito sa ngayon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨