Ligtas pa rin mula sa toxic red tides ang ilang mariculture at coastal areas sa ilang lungsod at bayan sa Pangasinan.
Sa inilabas na Shellfish Bulletin No. 02 series of 2024 ng BFAR Regional Office 1, ligtas pa rin sa toxic red tides ang lahat ng klase ng lamang dagat na matatagpuan sa mga mariculture at coastal areas ng Infanta, Bolinao, Anda, Alaminos City, Sual at Bani.
Ibig sabihin, ligtas for human consumption o maaari pa ring kainin ang lahat ng klase ng shellfish na magmumula sa mga bayan at lungsod na nabanggit.
Samantala, ilan naman sa pangunahing lamang dagat na ibinibenta ngayon sa mga palengke sa lalawigan ay ang talaba, kampis, at tahong. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments