𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚𝗜𝗦𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗞𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢

Umaasa ang ilang magsasaka at mangingisda sa lalawigan na makabawi sana ng kita sa pagtatapos ng El Nino.

Umaasa ang ilan sa mga magsasaka at mangingisda na makababawi sila kahit papaano sa oras na magkaroon muli ng pag-uulan bilang makatulong sa pagpapatubig sa pananim at maging pagbabalanse sa temperatura ng tubig sa mga fish ponds.

Sa tala ng Department of Agriculture, bilyong piso ang naging danyos dahil sa epekto ng el niño sa kabuuang agriculture sector.

Samantala, kabilaang interbensyon sa ngayon ang isinasagawa ng provincial government para maibsan ang epekto ng el niño phenomenon sa mga magsasaka at mangingisda at tuloy-tuloy naman ito upang sila ay makabangon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments