𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗣𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗡𝗜 𝗕𝗔𝗚𝗢 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢

Hindi na hinintay pa ng ilang magsasaka sa Mangaldan na tuluyang masira ang kanilang mga pananim na palay.

Dahil sa banta ng Bagyong Kristine, nag forced harvest na ang ilang magsasaka sa bayan.

Sa ibinahaging video ni Juanito Español, habang hindi pa bumuhos ang malakas na ulan sa probinsiya kahapon, napagdesisyonan nilang anihin na ang kanilang Palay upang hindi tuluyang malugi.

Ani Español, sugal talaga ang pagtatanim kaya’t hindi na nila hahayaang mapadapa pa at hindi na mapakinabangan ang mga tanim na palay.

Samantala, matatandaan na umaapela ang mga magsasaka sa bayan na pataasin ang buying price ng palay, matapos itong sumadsad 21 pesos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments