Doble ang pag-iingat ngayon ng ilan sa mga magulang sa Dagupan City sa kalusugan ng kanilang mga pamilya dahil sa dami ng mga nagkakasakit ng trangkaso ngayon.
Mas nag-iingat sila ngayong buwan ng Disyembre dahil na rin sa mga inihahandang pagkain sa sunod-sunod na selebrasyon ng holiday season.
Kadalasan umano sa mga napapansin nilang nagkakaksakit ng trangkaso ay umaabot pa umano ng isang linggo kung kaya’t nabahala sila.
Ayon sa health authorities, hanggang tatlong araw lamang dapat nararanasan ang sintomas ng trangkaso at kung sakaling maranasan ang mga sintomas sa higit pa sa tatlong araw o di kaya ay umabot na ng isang linggo ay dapat na silang dumulog o magpakonsulta sa doktor.
Maaari rin kasing hindi lamang ito simpleng trangkaso ngunit baka ito ay sintomas ng COVID19 virus o ano pa man na mas malalang sakit kaysa sa trangkaso.
Payo rin ng awtoridad na hindi na basta basta ang pagkakasakit ngayon at hindi lamang dapat dumedepende sa self-medication kaya naman mas mainam kung magpapa-check up at magpakonsulta na sa doktor. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨