Sinisiguro ngayon ng ilang magulang tulad sa Dagupan City na ligtas ang kanilang mga anak at hindi madapuan ng mga sakit tulad ng tigdas.
Napapanahon umano kasi ngayon ang mga ganitong klase ng sakit lalo at nararanasang ang maalinsangang panahon o mataas na temperaturang nararamdaman ng katawan.
Madalas na tinatamaan ng sakit na tigdas ay ang mga bata na nasa edad apat na taon pababa kung kaya’t ang ilan sa mga magulang, mas minabuting pabakunahan na ang mga bata laban sa tigdas.
Nagbigay na rin ng paalala ang CHD Region 1 ukol sa banta ng tigdas at hinihikayat rin ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak para agarang mapigilan at hindi na magkasakit pa ang mga bata.
Samantala, may mga health centers sa lalawigan at rehiyon na maaaring puntahan upang magpapabakuna at tignan ang schedule para sa sunod na vaccination. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨