𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗛𝗔𝗧𝗜 𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗜𝗡𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗨𝗞𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗟𝗟𝗣𝗛𝗢𝗡𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡

Hati ang naging opinyon ng ilang magulang sa Pangasinan ukol sa nais inihaing panukala ng isang senador kung saan nagbabawal sa mga batang magcellphone sa loob ng paaralan.

Ang ilang magulang sinabing payag sila sa panukala sakaling maipatupad nang sa gayon ay makapaglaan ng maraming oras at atensyon ang mga bata sa kanilang mga pinag-aaralan sa loob ng paaralan.

Hindi naman umano magiging malaking kabawasan ang pagliban ng isang oras na paggamit ng cellphone ng mga bata sa bawat klase habang ang ilang magulang sinabing kaya naman ng mga bata na magbigay tuon sa kanilang pag-aaral habang may nasa kanila ang kanilang mga cellphones.

Nasa tamang pagdidisiplina rin umano ng mga magulang ng mga bata nakasalalay ang pagiging responsable ng mga ito sa paggamit ng cellphone.

Sa ngayon, balak ng isang senador na isulong ang panukala bilang bahagi ng adhikain na maiwasan ang mga bata na maapektuhan ang kanilang mental at pisikal na kalusugan dahil sa social media at gadgets. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments