𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗨𝗞𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗛𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗙𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗥𝗔𝗧𝗘 𝗡𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬𝗢

Umaasa pa rin ang ilang manggagawa sa pribadong sektor tulad sa Dagupan City na masama rin umano sana ang rehiyon sa kasalukuyang dinidinig na panukalang taas pasahod lalo ngayong nakitaan ng mabilis na pagtaas sa inflation rate nitong Mayo.

Ang ilan sa minimum wage earner sa pribadong sektor, sinabing hindi pa rin umano sapat para sa kanila ang buwanang sahod para sa gastusin sa bahay tulad ng kuryente, tubig, pagkain at school expenses ng mga pinapaaral.

Ayon sa naging tala ng Philippine Statistics Authority, tumaas ang inflation rate nitong Mayo kung ikukumpara noong Abril.

Isa rin umano sa mga nakitang salik na naapektuhan ng inflation rate ay tulad sa mga nabanggit ng ilang manggagawa tulad ng tubig, kuryente, krudo at iba pa.

Sa kabilang banda, target na isagawa ang public hearing para sa naturang wage hike o dagdag-sahod para sa mga manggagawa mula sa National Capital Region o NCR sa June 20, 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments