𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘, 𝗛𝗔𝗧𝗜 𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗜𝗡𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗨𝗞𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 ‘𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧𝗕𝗥𝗘𝗔𝗞 𝗟𝗘𝗔𝗩𝗘’

Hati ang naging opinyon ng ilan sa manggagawang Pangasinense sa lalawigan ukol sa Heartbreak leave na pinanukala at dinidinig ngayon sa KAMARA.

Ang ilang manggagawa mula sa private sectors sinabing maaari rin naman umano itong maging dahilan sa ilalim ng sick leave kung pahihintulutan ng kumpanya kung saan nagtatrabaho.

Mayroon din umanong mas mga mabibigat na problema at panukalang dapat na mas pagtuunan ng pansin lalo at humaharap umano ang ating bansa sa ibat ibang suliranin gaya ng mga bilihin at patuloy na usapin sa jeepney modernization.

Ang ilan namang manggagawa, nakitang maganda rin naman umano ang naturang panukala lalo at importante rin umano ang pagpapahalaga sa mental health ng mga manggagawa dahil maaaring maaapektuhan rin nito ang performance sa loob ng kanya kanyang trabaho.

Samantala, ang naturang panukala ay prinopose ng isang lawmaker sa Cagayan de Oro at patuloy na dinidinig ngayon sa Kamara kung saan layon na matutukan ang emotional support sources para sa mga empleyadong humaharap sa pagkabigo sa pag-ibig. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments