𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗦𝗔𝗞𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡

Nagkakasakit at namamatay na ang ilang alagang manok sa lalawigan ng Pangasinan ngayon dulot pa rin ng mainit na panahon.

Sa bahagi ng Mangaldan, iniinda ng mga poultry owners ang pagkamatay ng isa hanggang tatlong manok sa ilang mga poultry farms.

Ayon sa mga nag-aalaga, gumagawa sila ng iba’t ibang paraan ngayon upang maibsan ang mas malalang magiging epekto ng init ng panahon sa kanilang kabuhayan, tulad na lamang ng pagsasaayos ng maayos na bentilasyon sa mga kulungan nito.

Sa ngayon, hiling nilang matulungan sila ng pamahalaan upang maibsan at hindi na lumala na posibleng umabot sa pagkalugi ang kanilang pangkabuhayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments