Aasahan umano ang magiging paggalaw ng ilang mga agricultural products sa buong bansang Pilipinas kasama ang lalawigan ng Pangasinan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Samahan ng Industriya at Agrikultura o SINAG Chairman Engr. Rosendo So, taon – taon naman aniya ay nagkakaroon ng mga paggalaw sa mga agricultural products gaya ng mga karne gulay at bigas.
Bagamat wala pa aniyang pag galaw sa presyo ng bigas naman ay nananatili naman itong mataas dahil sa taas ng farm gate price nito.
Samantala, ang sibuyas na siyang sobrang taas nitong mga nakalipas na taon ay nananatili aniya sa parehong presyo.
Ang isa sa binabantayan aniya nila ay ang presyo ng mga itlog na posibleng tumaas na sa mga susunod na araw dahil sa demand nito sa merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments