𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗢𝗥𝗢𝗧𝗢𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗔𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗟𝗘𝗕𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡

Torotot ang gamit ngayon ng ilang bata sa Dagupan City bilang kanilang pampaingay sa selebrasyon ng bagong taon.

Ayon sa mga magulang ng mga bata, mas mainam kung ang pampaingay na gamit ngayon ng mga kabataan ay mga gamit na hindi makakapaminsala sa katawan.

Kaya naman samut saring klase ng torotot ngayon ang ibinebenta ng mga vendors sa Downtown area na maaaring pagpilian.

Nagmomonitor rin ang hanay ng BFP sa mga pamilihan sa mga magbebenta ng mga legal o illegal mang klase ng paputok bilang pinagbabawal itong ipagbili.

Nakikipagtulungan na rin ang ilang mga barangay sa hangarin ng lokal na pamahalaan na magkatoon ng payapa at maayos na bagong taon at maging zero firecracker incident sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments