Umalma ang ilang mga commuters sa Dagupan City sa patuloy na hirit ng iba pang transport groups sa dagdag pa umanong apat na pisong fare increase sana.
Ayon sa ilang commuters, masyado nang mataas kung dadagdagan pa ng apat na piso ang naturang fare increase.
Naiintindihan naman daw nila ang hirap ng mga operators at drivers sa pagbili sa produktong petrolyo ngunit bilang mga normal ring manggagawa ay hirap din ang mga commuters sa pagbubudget dahil sa nagsisi-taasang presyo ng mga pangunahing bilihin ngayon.
Kahit umiiral na ang dagdag pisong pasahe sa mga jeep ay hindi pa ito sapat kung tutuusin ayon sa grupong ACTO dahil ang hinihiling nila ay limang pisong fare increase.
Panibagong kahaharapin naman ng mga transport groups at kooperatiba ang tungkol naman sa usapin ng jeepney modernization kung saan mainit muling pinag-uusapan habang nalalapit ang buwan ng Disyembre. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments