𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗨𝗠𝗘𝗥𝗦, 𝗜𝗡𝗔𝗟𝗠𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗗𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦

Inalmahan ng ilang mga consumers sa Pangasinan ang nagbabadyang pagtaas sa presyo ng bigas maging ilang mga pangunahing bilihin ngayong taong 2024.

Bungad daw ng taon ay pagsirit sa presyo ang sasalubong sa mga ito.

Sa kasalukuyan, nananatili nang mataas sa mga pampublikong pamilihan ang presyo ng bigas.

Nasa ₱48 hanggang ₱49 ang kada kilo ng locally milled rive habang pumapalo na sa ₱54 at mahigit ang per kilo ng well-milled rice.

Ayon sa isang agricultural group, nagbabadya ang karagdagang dalawang piso na dagdag sa presyo ng bigas bunsod ng patuloy na tumataas na presyo rin ng palay sa pandaigdigang merkado.

Samantala, inaasahan ng mga mamimili na makakabawas sa presyuhan ang anihan season sa darating na buwan ng Marso ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments