𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚, 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚𝗔𝗠𝗕𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗧𝗨𝗦𝗦𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Nangangamba ngayon ang ilang mga magulang sa lalawigan ng Pangasinan, matapos makapagtala ng tatlong kaso nito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Dr. Anna De Guzman, ang Provincial Health Officer ng Pangasinan, pawang mga bata o edad 1 pababa ang madalas tamaan ng naturang sakit.

Bagamat delikado, hinikayat ng kagawaran ng kalusugan ang pangangalaga sa mga most vulnerable o mga bata. Ibayong pag-iingat ang isaalang-alang para sa kapakanan ng mga bata.

Samantala, pumalo na sa halos 900 ang naitalang kaso sa buong bansa, kung saan halos 50 na ang nasawi dahil sa nasabing sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments