Nagpadala ng sulat ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod kay City Legal Officer Aurora Valle kung saan nakasaad ang pag-apela ng mga ito sa pagbibigay linaw sa nangyaring preventive suspension ng tatlong miyembro ng SP.
Sa kanilang sulat, ipinaliwanag ng mga pagkakaiba ng preventive suspension sa punitive suspension.
Binigyang-diin na ang ipinataw na preventive suspension sa tatlong konsehal ay hindi umano penalty, bagamat isang procedural tool upang masimulan at maipagpatuloy umano ang administrative investigation.
Natanggap ng City Legal Officer ang naturang sulat at sinabing hindi umano nito intensyon na mag-umpisa ng kalituhan at hindi niya umano ito sinasadya.
Samantala, handa umano ang mayorya sa pagsasailalim sa mga legal remedies upang mabigyang-linaw ang naturang isyu. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨