Ikinababahala ngayon ng ilang motoristang dumaraan sa bahagi ng Villa Verde Road Brgy. Malico San Nicolas ang gumuhong lupa sa baba ng kalsada.
Nagkalat ngayon sa social media ang larawan at video ng naturang kalsada kung saan makikitang gumuho ang malaking bahagi ng lupa sa naturang kalsada.
Pangamba ng ilang motorista baka bigla na lamang bumigay ang kalsada sa kanilang pagdaan at maaksidente. Ayon kay San Nicolas, DRRMO Head Shallom Gideon Balolong, nangyari ang pagguho ng lupa noon pang kasagsagan ng Bagyong Pepito.
Nasulatan na rin aniya ang Department of Public Works and Highways at sinabing kabilang ito sa kanilang priority list.
Sa kanilang pakikipag ugnayan sa ahensya inaasahan aniya na umpisahan ang pagsasaayos nito bago matapos ang taon. Samantala, light vehicles lamang ang pinapayagang dumaan sa nasabing bahagi ng Villa Verde Road. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨