𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗨𝗦𝗟𝗜𝗠 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗭𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗜𝗣𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗘𝗜𝗗’𝗟 𝗙𝗜𝗧𝗥

Nagtipon-tipon kahapon April 10 ang mga miyembro ng Muslim Community na mula pa sa iba’t-ibang bahagi ng Luzon sa bayan ng Mangaldan sa kanilang pagselebra ng Eid’l Fitr o Feast of Ramadan.

Nagpahayag naman ng buong suporta ang alkalde ng bayan sa mga Muslim na mula sa Pangasinan maging sa ibang bahagi pa.

Matatandaan na nauna nang idineklara ng Malacañang ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr bilang Holiday sa buong Pilipinas na bahagi ng banal na buwang pagdarasal at pag-aayuno na Ramadan ng komunidad ng Muslim sa buong mundo.

Samantala, mas marami umano ang bilang ng mga nakisama sa nasabing pagdiriwang ngayong taon kumpara noong nakaraang taon ayon sa ayon sa Adviser of Islamic Community Affairs. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments