𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗠𝗔𝗧𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗦𝗔𝗞 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗠𝗔𝗧𝗜𝗦

Apektado ngayon ang kita ng ilang naglalako ng kamatis sa ilang pamilihan sa Dagupan City dahil bagsak presyo ngayong bentahan ng naturang produkto.
Dulot ito ng maraming suplay ngayon kamatis kung kaya’t sumadsad sa presyo ng 20 to 25 pesos ang kada kilo nito mula sa dating 80 to 100 pesos kada kilong bentahan nito.
Ayon sa ilang nagtitinda ng kamatis sa palengke, pinapaubos na lamang nila ang mga kamatis na naiangkat sa kanila nang sa gayon ay hindi masayang at hindi mabulok.

Balik puhunan na lamang ang habol ng ilan sa kanila at maghahanap na lang din muna ng ilan gulay na maaaring ibenta nang sa gayon ay may maitubo pa ang kanilang pera.
Sa bayan rin ng Mangaldan, naglalaro na rin ang presyo ng kamatis sa sampung piso kada kilo na lamang.
Hindi naman umano over supply ang produktong kamatis ngunit sadyang marami lang talagang naiharvest ngayong buwan ang mga magsasaka na siyang ibinaba sa ngayon ng presyo nito sa farm gate price hanggang sa mga palengke. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments