Nakiisa ang ilan residente sa lalawigan ng Pangasinan sa ikinasang 3rd quarter simultaneous Earthquake Drill.
Ilang mag-aaral sa mga paaralan sa lalawigan ang sabay-sabay na nag ‘duck, cover, and hold’, maging ng simulation sa mga posibleng mangyari sakaling tumama ang lindol.
Ayon kay OCD Region 1 Spokesperson Adreanne Pagsolingan, mahalaga ang naturang kasanayan upang maihanda ang mga mamamayan sa inaasahang pagtama ng ‘The Big One’.
Pagpapakita rin umano ang earthquake drills ng mga posibleng reaction and response tactics para sa mga first responders.
Magugunita na tumama sa lalawigan ang ang killer earthquake noong 1990. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments