𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘, 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔-𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗦𝗞𝗔𝗥𝗧𝗘 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗧𝗜𝗣𝗜𝗗 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗞𝗢

Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin Kanya-kanyang diskarte ngayon ang mga Pangasinense upang makatipid sa bigayan ng regalo at handaan.

Ayon sa ilang nanay, maaga na lamang umano nilang paplanuhin ang ihahanda sa Pasko at bagong taon upang makita kung pasok nga ba ang mga ito sa budget.

Ilang Pangasinense rin ang nagsabing hindi na lang naghahanda sa Pasko at minsan na lamang sa Bagong Taon.

Ang Ilan, imbes na sa mall bumili ay sa mga tiangge na lamang. Hindi naman daw mahalaga kung mahal ang regalo bagkus ito ay bokal sa pagbibigay.

Samantala, umaasa naman ang mga ito na sa pagpasok ng bagong taon ay maibsan ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments