Dagsa na ngayon ang mga pasaherong mula sa Maynila at umuwi ng Pangasinan kasunod ng long weekend.
Nakaranas na ng bulto ng mga pasahero ang ilang bus company sa lungsod simula pa kagabi.
Ayon sa ilang pasahero na nakapanayam ng IFM Dagupan, maagang umalis ang mga ito sa Maynila upang masulit ang oras kasama ang kanilang pamilya dito sa Pangasinan.
Ilang tourist spot din ang binabantayan ng awtoridad na inaasahang dadagsain ngayon.
Samantala, siniguro naman ng ilang bus company ang sapat na bus para sa mga magsisibalikan ng Maynila pagkatapos ng long weekend. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments