Aprubado ng Sangguniang Panlalawigan ang resolusyon na nagsasaad na maaaring sumailalim sa jail-based education program ang ilang PDL o Persons Deprived of Liberty sa pamamagitan ng parallel learning system na ALS o Alternative Learning System.
Sa naturang resolusyon, mabibigyang tsansa ang mga PDL na hindi nakapagtapos ng elementarya at junior high school. Ang naturang programa ay isasagawa ng Schools Division Office 1 Pangasinan at aantabay ang Pangasinan Provincial Jail.
Sa talaan ng provincial jail, mayroong 19 PDLs at 32 PDL na hindi nakapagtapos ng elementarya o junior high school ang nakahandang sumabak sa programa. Magaganap ang learning session kada Miyerkules sa may social hall ng Pangasinan Provincial Jail.
Ang bawat PDL ay sasailalim sa ALS Accreditation and Equivalency Test and Presentation Portfolio Assessment upang malaman ang kakayahan ng mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨