๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—ข๐—Ÿ ๐—ง๐—˜๐—”๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—ก, ๐—œ๐—ž๐—œ๐—ก๐—”๐—ง๐—จ๐—ช๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐——๐—ข ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฎ-๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ

Ikinatuwa ng ilang mga public school teachers mula sa lalawigan ng Pangasinan ang direktiba ni VP at DepEd Sec. Sara Duterte na DepEd Order 002, Series of 2024 o ang Immediate Removal of Administrative Tasks of Public School Teachers.

Ayon sa mga guro na nakapanayam ng IFM News Team, malaking tulong umano ang pagpapatupad nito upang mas matutukan nila ang pagtuturo maging ang teaching preparation.

Dagdag pa ng mga ito na umaasa silang maiimplementa ito ng agaran upang maramdaman nila ang effectivity ng nasabing DepEd order.

Samantala, matatandaan na layon ng ibinabang direktiba ng DepEd na ang pagtutok ng mga guro ay nakatuon sa pagtuturo sa mga silid aralan habang sasaluhin naman ng mga non-teaching personnel ang mga admin tasks. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ

Facebook Comments